
Inalala ni Jennylyn Mercado ang kanyang namayapang adoptive parent na si Mommy Lydia sa araw ng kapanganakan nito.
Sa kanyang Instagram account ngayong Biyernes, August 30, ipinost ng Ultimate Star ang kanyang birthday message para sa tumayo niyang magulang.
Sulat ni Jen, "I feel so blessed that you were a part of my life. Hope you're having the best time up there. Sending my warmest birthday wishes to the sky. Happy birthday, Mommy Lydia! "
Binawian ng buhay ang kinilalang ina ni Jennylyn na si Mommy Lydia sa edad na 74 noong October 29, 2016.
Pumanaw si Mommy Lydia habang nasa Intensive Care Unit (ICU) dahil sa sepsis at pneumonia.
Kapatid ng biological mother ni Jennylyn na si Jinkee Pineda si Mommy Lydia.
RELATED CONTENT: Celebrities who were adopted