GMA Logo Joyce Ching
PHOTO SOURCE: Joyce Ching (YouTube)
Celebrity Life

Joyce Ching, naghahanda na sa nalalapit na panganganak

By Maine Aquino
Published October 4, 2024 2:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Welcome everyone to the church, says Cardinal Advincula
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Joyce Ching


Ayon kay Joyce Ching, malapit na niyang ipanganak si Baby Hawhaw.

Naghahanda na si Joyce Ching at ang asawa niyang si Kevin Alimon sa pagdating ng kanilang first baby.

Sa latest vlog nila ay ipinakita ni Joyce ang kanilang nesting para sa kanyang anak na tinawag nilang Baby Hawhaw.

PHOTO SOURCE: YouTube: Joyce Ching

Ibinalita ni Joyce ang kanyang pagbubuntis last June. Ayon kay Joyce, "Please keep us in your prayers. Your expecting parents, Kevin and Joyce.”

Ngayong October ay malapit na ipanganak ni Joyce ang kanilang baby girl.

Ani Joyce, "Kailangan na tayong magsimula kasi anytime na tayo puputok. We better be ready."

Ipinakita rin ni Joyce ang mga regalong kanilang natanggap para kay Baby Hawhaw kaya naman nagbigay ng mensahe ang aktres sa kanyang anak.

"Hawhaw, if napapanood mo na 'to at may isip ka na, you are so blessed."

Sa vlog na ito ay hands-on sina Joyce at Kevin sa pag-aayos ng gamit ni Baby Hawhaw. Ayon kay Joyce, ramdam niya ang hirap ngayon dahil madalas na sumakit ang kanyang likod.

"'Yan ang mahirap sa pregnant, guys. 'Pag sumakit na 'yung likod mo, parang katapusan mo na."

Panoorin ang nesting vlog ni Joyce dito:

SAMANTALA, BALIKAN ANG HAPPY MARRIED LIFE NINA JOYCE AT KEVIN DITO: