GMA Logo iya villania and drew arellano
Source: drewarellano/IG
Celebrity Life

Iya Villania, Drew Arellano, hindi planado ang fifth baby

By Kristian Eric Javier
Published October 31, 2024 5:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Revilla posts P90K bail for graft case over alleged ghost flood control project
Dagan sa Panahon atong Sayran | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

iya villania and drew arellano


Kahit hindi planado, masayang sorpresa naman para kina Iya Villania at Drew Arellano ang kanilang upcoming baby.

“Pati kami, nagulat, actually. No, it was not planned.”

Iyan ang nagging pahayang ni "Chika Minute" anchor at host Iya Villania tungkol sa pagkakaroon nila ng ika-limang anak ng asawa niyang si Drew Arellano.

Sa latest episode ng Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi ni Iya na isang malaking sorpresa sa kanila ni Drew ang kanilang fifth baby.

“But you know, our plan is sometimes it's the same but more often than not, it's always different to God's plan so we did not plan this,” sabi ni Iya.

Nilinaw naman ng host at entertainment reporter na “good surprise” ang kanilang paparating na baby, ngunit kagaya ng kaniyang past pregnancies, nakakaramdam siya ng anxieties at worries, lalo na pagdating sa panganganak niya mismo.

“Iniisip ko pa lang 'yung I hope that when I deliver I have no complications, I hope the baby doesn't have complications, I hope that because along with the delivery, the kind of delivery can also dictate the kind of recovery that you're gonna have,” sabi niya.

Kuwento ni Iya, sa kanila ni Drew ay siya ang mas-open sa pagkakaroon ng is pang baby kaya naman binrief niya umano ang asawa lalo na dahil madalas silang matanong kung plano pa ba nila magkaroon ng baby noon.

“Every time when people would ask 'Are you gonna have more kids?' And we'd be like, 'Well, there's no plan, but you know, if ever, we'd welcome and I'd always look at Drew and Drew would always be like 'Okay na tayo, okay na tayo sa apat,'” pagbabaliktanaw ni Iya.

Pagpapatuloy pa niya, “I always tell him that 'Oo nga, okay na tayo sa apat but unless you're tied or I'm tied, we never know what could happen, 'di ba?'”

TINGNAN ANG GROWING, BEAUTIFUL FAMILY NINA IYA AT DREW SA GALLERY NA ITO:

Nang maramdaman ng Iya na buntis siya ay ipinaalam niya kaagad kay Drew na malakas ang pakiramdam niya na nagdadalang tao siya. Ngunit sagot umano ng kaniyang asawa, “Hindi 'yan, hindi 'yan.”

“Okay lang kung meron?” pag-alala ni Iya na tinanong niya kay Drew.

“Love, kung meron, okay. Kung wala, okay pa rin.' Sabi ko, okay, at least klaro,” sagot naman ng huli.

“We found out together. Sabi ko, 'Love, dito natin mako-confirm.' I was hiding it and when we finally saw it, we just looked at each other and we just started laughing and we just gave each other a hug,” kuwento ni Iya.

Sa ngayon, nakatuon lang ang isip ni Iya sa panganganak niya, at sinabing hindi pa niya masasabi sa ngayon kung papaano magkaroon ng ika-limang baby.

“I don't wanna build myself up na 'This is what it's gonna be like,' kasi baka mamaya it's not gonna be like that and then I might go through depression if it's not gonna meet what I'm expecting,” sabi ni Iya.

Pakinggan ang buong interview ni Iya dito: