
Ibinahagi ni Joel Cruz ang paalala ng kaniyang ina na kaniyang isinapuso hanggang sa pagtanda.
Ang ina ni Joel na si Milagros Martin Santos-Cruz ay pumanaw sa edad na 92 noong May 2021.
Ayon sa perfume mogul, laging ipinaalala ng kanyang ina ang pagkakaroon ng mabuting relasyon sa kanyang pitong mga kapatid.
"'Yun ang maganda, laging sinasabi ng nanay ko na magmahalan kami, magtulungan," sabi ni Joel sa vlog ng TiktoClock host at Binibining Marikit actress na si Pokwang.
PHOTO SOURCE: YouTube: Mamang & Malia
Dugtong pa ni Joel, "Sabi [ng nanay] sa amin noong bata kami, hindi raw lahat paglaki namin may magandang buhay lahat. Kung sino raw 'yung makakaluwag, tutulungan daw 'yung hindi nakakaluwag."
Inamin ni Joel na ang aral na ito mula kay Nanay Milagros ay baon niya hanggang ngayon.
Ani Joel, "Tumatak sa utak ko 'yun hanggang ngayon. Lalo na may kapatid akong isa, ang dami niyang anak. Kaso sa dami na niyang anak, ang dami niyang apo. Sa dami nun, tinutulungan ko 'yun."
Inilarawan din niya na maganda ang samahan nilang magkakapatid, "Very close family ties kami. Kaming pito."
Panoorin ang kuwentuhan nina Joel at Pokwang dito:
SAMANTALA, NARITO ANG MGA LARAWAN NI JOEL KASAMA ANG WALONG MGA ANAK: