Joel Cruz, ikinuwento sa mga anak ang tunay na pagkatao ng kanilang ina

Inamin ni Joel Cruz na alam ng mga anak niya ang kanilang pinagmulan at ang pagkatao ng kanilang ina.
Si Joel ay kilala bilang Lord of Scents dahil sa kaniyang perfume business. Siya ay may walong anak na sina Prince Sean, Princess Synne, Prince Harvey, Prince Harry, Charles, Charlotte, Zaid, at Ziv.
Sa pagbisita ni Joel sa Sarap, 'Di Ba? ay sinabi ni Joel na inilahad niya sa mga anak ang pagkatao ng kanilang ina.
PHOTO SOURCE: Facebook: Joel Cruz Official
Kuwento ni Joel na noong una ay natatakot siya na matanong ng mga anak ang pagkatao ng kanilang ina.
"Dati kinakatakutan ko 'yun noong bago pa lang 'yung mga bata, 'yung maliliit pa lang sila. Parang 3 years old 'yung first set of twins, tinanong ako, sabi niya where's mommy? Kinabahan talaga ako, ito na, ito na yata 'yun."
Lahat ng mga anak ni Joel ay mula sa isang surrogate mother na si Lilia mula sa Russia.
Ang unang kambal ni Joel ay sina Prince Sean and Princess Synne. Ipinanganak sila sa Russia through IVF or in vitro fertilization.
Ani Joel, kahit siya nakaramdam ng kaba ay sinabi niya ang katotohanan sa mga bata.
"She's in Russia sabi kong ganoon. Sabi niya okay, so wala ng follow up questions. Sabi ko okay hanggang doon na lang tayo kasi hindi na sila nagtatanong e."
Inilahad naman ni Joel na puwede niyang dalhin ang mga anak sa kanilang ina kung gusto nila itong makilala.
"Kung gusto nilang makita, they have the freedom, we can go there, they can meet their mom."
Ayon pa kay Joel, pinili niyang sabihin sa mga anak ang kanilang tunay na sitwasyon at kanilang pinagmulan.
"Ikinukuwento ko naman kasi sa kanila na 'yung mommy nila she's very generous, she's very caring sa akin, na pinagbigyan niya ako magkaroon ng anak. Pero ang alam nila 'yung mommy nila may daddy, pamilya sila, may anak siya. Talagang tinulungan niya lang ako para magkaanak. Alam nila 'yun na ganoon ang sitwasyon namin. May pamilya talaga ang mommy nila doon."
Bukod sa buhay ng kanilang ina, inamin pa ni Joel sa mga anak na may perang ginastos para sa kanila.
"Alam din nila na may money involvement, sinabi ko rin 'yun. Para malaman nila na ganito ang katotohanan. Ayoko kasi magsikreto, e."
Dugtong pa ni Joel, "Kagaya nito, na-interview mo ako, alam ng tao lahat ng buhay ko. Ayoko na may manggaling sa ibang tao, na nagsinungaling ako."
Panoorin ang interview rito:
Sa interview ni Joel sa Tunay na Buhay inilahad niyang gumastos siya ng halos PhP 54 million para sa surrogacy nina Prince Sean, Princess Synne, Prince Harvey, Prince Harry, Charles, Charlotte, Zaid, at Ziv.
SAMANTALA, TINGNAN ANG PROUD PARENTING MOMENT NI JOEL CRUZ DITO:




































