GMA Logo Grace Tanfelix
Celebrity Life

Mommy Grace Tanfelix, bakit nga ba laging sobrang dami ng niluluto?

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 21, 2025 3:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Boy, 12, killed in firecracker blast in Tondo, Manila on Sunday night
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Grace Tanfelix


'Okay na 'to' pero bakit nga ba sobrang dami kung magluto si Mommy Grace Tanfelix?

May 2 milyong followers na ang ina ni Miguel Tanfelix na si Grace Tanfelix sa kaniyang social media accounts kung saan niya ibinabahagi ang iba't-ibang putahe na niluluto niya sa bahay nila.

Ang tanong ng mga nakakapanood nito, bakit laging sobrang dami magluto ni Mommy Grace ngayong iilan lang naman sila sa bahay?

Paliwanag ni Miguel, "Una kasi nire-renovate po 'yung kitchen niya, so, marami siya magluto para pakainin na rin 'yung gumagawa ng kitchen."

"Pangalawang dahilan, kasi nasa isang compound po kami, so kasama namin 'yung mga pamangkin ko, lola, tito, so, if gusto nila manghingi ng ulam, puwede na."

Praktikal rin ang pamilya Tanfelix kasi kung anong ulam sa tanghali ay ito rin ang uulamin nila sa gabi. Dahil sa masasarap ang niluluto ni Mommy Grace, kahit ang mga kasama ni Miguel sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles ay natatakam rin dito.

"Ang pinakanaaalala ko po sa ganyan, si sir Roderick Paulate, pinapanood niya po talaga si mommy tapos sinasabi niya, 'Dalhin mo naman dito sa set si Mommy mo, dala ka naman ng pagkain.'"

Sa dinami-rami ng putaheng niluluto ni Mommy Grace, ano kaya ang pinapatikim ni Miguel sa kaniyang mga kaibigan at kasamahan sa trabaho?

"Ako pinaka-proud po ako na ipatikim sa lahat, 'yung leche flan ni mommy, kasi 'yun talaga 'yung favorite ko. 'Pag may chance, 'pag nagluto si mommy ng leche flan, nagdadala po talaga ako," saad ni Miguel.

Panoorin ang buong report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras:

Mapapanood si Miguel sa Mga Batang Riles Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream. Mapapanood rin ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.

SAMANTALA, BALIKAN ANG MEDIACON NG MGA BATANG RILES DITO