
Isa ang mommy ni Miguel Tanfelix na si Grace Tanfelix sa content creators na labis na kinagigiliwan ngayon ng marami.
Patok na patok sa netizens ang nakakatakam niyang mga niluluto na lagi niyang ibinibida sa kaniyang vlogs sa video-sharing application na TikTok.
Bukod pa rito, aliw na aliw din ang viewers sa catchphrase niyang “Okay na 'to,” na binabanggit niya tuwing tapos na siyang magluto.
Ang naturang line ay talaga namang swak sa panlasa ng netizens, kaya naman ginawan ito ng mga parody ng ilang kapwa niya content creators.
Isa sa mayroong kwelang “Okay na 'to” entry ay ang Sparkle star at vlogger na si Mark Oliveros.
@marksaruray ok na to #yesnayesforyou ♬ original sound - YES NA YES FOR YOU
Samantala, masayang ipinagdiwang ni Mommy Grace kamakailan lang ang pagkakaroon niya ng mahigit 2 million followers sa Facebook.
Sa isang panayam, inilahad ng Mga Batang Riles actor na si Miguel na ramdam niya ang kasikatan ngayon ng kaniyang ina sa social media at masayang-masaya siya tungkol dito.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 447,000 followers at 13.2 million likes si Mommy Grace sa TikTok.
Mapapanood sa kaniyang account ang kaniyang cooking vlogs na patuloy na humahakot ng million views at napakaraming positive comments.