advertisement
Celebrity Life

Celebrity ex-couples na nanatiling magkaibigan para sa anak

1 of 20

Jennylyn Mercado and Patrick Garcia

Lagpas isang dekada na ang lumipas mula nang maghiwalay si Jennylyn Mercado at Patrick Garcia, pero magkaibigan pa rin ang dalawa at magkaagapay sa pagpapalaki ng kanilang anak na si Jazz, na ngayon ay binata na.

2 of 20

Andi Eigenmann and Jake Ejercito

Napanood ng mga Pilipino ang hindi pagkakasundo ng dating magkasintahan na sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito pagdating sa kustodiya ng kanilang anak na si Ellie. Gayunpaman, nagawang lagpasan ito ng dalawa at sa katunayan ay sabay na pinuntahan ang piano recital ng kanilang anak.

3 of 20

Katrina Halili and Kris Lawrence

Siyam na taon nang magkahiwalay ang dating magka-relasyon na sina Katrina Halili at Kris Lawrence, pero matiwasay pa rin nilang napapalaki ang kanilang anak na si Katie.

advertisement
4 of 20

Sunshine Dizon and Timothy Tan

Hiwalay mula noong 2016 ang dating mag-asawa na si Sunshine Dizon at Timothy Tan, ngunit nirerespeto pa rin ni Sunshine si Timothy bilang ama ng kaniyang mga anak na sila Doreen at Anton.

5 of 20

Ogie Alcasid and Michelle van Eimeren

Labing-dalawang taong kasal si Ogie Alcasid at Michelle van Eimeren bago sila naghiwalay. Nag-uusap at nagkikita pa rin hanggang ngayon ang dating mag-asawa. Sa katunayan, noong Enero 2023 ay nagkita ulit ang dating mag-asawa at ang kanilang mga anak.

6 of 20

Vilma Santos and Edu Manzano

Dalawang taon lamang kasal ang Star for all Seasons na si Vilma Santos at Edu Manzano, pero nanatiling magkaibigan ang dalawang haligi ng showbiz. Kamakailan lamang ay parehong umattend ng binyag ng kanilang apong si Isabella Rose ang dalawa.

advertisement
7 of 20

Lotlot de Leon and Ramon Christopher Gutierrez

Mula pagiging patok na '80s love team, ikinasal sina Lotlot at Monching noong 1989. Nagkaroon sila ng apat na anak, sina Janine, Jessica, Diego at Maxine. Na-annul naman ang kanilang kasal noong 2008.

9 of 20

Pops Fernandez and Martin Nievera

Labing-pitong taong kasal si Pops Fernandez at Marin Nievera bago sila nag-hiwalay. Mag-kaibigan pa rin ang dalawa, at noong nagkasakit ang kanilang anak na si Ram noong 2021, pareho nila itong inalagaan kasama ang isa pa nilang anak na si Robin.

11 of 20

Romnick Sarmenta and Harlene Bautista

Labing-siyam na taong kasal sina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista bago sila maghiwalay noong 2019.

advertisement
12 of 20

Para sa limang anak

Sa isang panayam sa 24 Oras, sinabi ni Harlene Bautista na nanatili silang magkaibigan ni Romnick Sarmenta para sa kanilang limang anak - sina Abijah, Seki, Bo, Merel, at Yuwela.

13 of 20

Buboy Villar and Angillyn Gorens

Hindi ikinasal sina Buboy Villar at Angllyn Gorens, pero engaged sila mula 2016 hanggang 2020 bago naghiwalay.

14 of 20

Social media backlash

Noong naghiwalay ang dalawa, binansagan silang “bad parents” ng ilang mga netizen dahil sa kanilang paghihiwalay. Dito ipinakita ng dalawa ang kanilang pagkakaibigan dahil pareho nilang pinandigan ang kanilang sitwasyon.

advertisement
15 of 20

Kylie Padilla at Aljur Abrenica

Dalawang taon na mula noong naghiwalay si Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Bagama't magulo ang naging kanilang paghihiwalay at aminado si Kylie na “stuck in flight-or-fight” simula noon, maayos na ang kanilang relasyon ngayon lalo na pagdating sa kanilang dalawang anak.

16 of 20

Maggie Wilson and Victor Consunji

After 11 years of marriage, former beauty queen Maggie Wilson and real estate mogul Victor Consunji announced their separation in a statement. Despite their split, Maggie said that they will remain "good friends and partners" for their son, Connor.

17 of 20

Michelle Madrigal and Troy Woolfolk

Former actress Michelle Madrigal and American athlete-turned-fitness trainer Troy Woolfolk have separated in 2021 but there is no bad blood between the two of them. In her Instagram post, Michelle revealed that they "have remained friends and co-parents to our beautiful daughter Anika."

advertisement
18 of 20

Erin Ocampo and Michael Pangilinan

Hindi man naging maganda ang kanilang relasyon noong nagkahiwalay sila, pinatunayan nina Erin Ocampo at Michael Pangilinan na kaya pa rin nilang maging magkaibigan para sa kanilang anak na si Kiel.

19 of 20

Pokwang and Lee O'Brian

Isiniwalat ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na hiwalay na si Pokwang at partner niyang si Lee O'Brian. Gayunman, nilinaw ng comedy actress na nananatiling maayos ang relasyon nila sa isa't isa para sa kanilang anak na si Malia.

20 of 20

Jodi Sta. Maria and Pampi Lacson

Anim na taon kasal sina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson bago sila naghiwalay. Kahit karelasyon na ngayon ni Pampi Lacson si Iwa Moto, magkaibigan pa rin sila ni Jodi. Sa katunayan, dumalo si Jodi sa binyag ng pangalawang anak ni Pami kay Iwa.

advertisement
21 of 20

Sunshine Cruz and Cesar Montano

Halos dalawang dekadang kasal sina Sunshine Cruz at Cesar Montano bago sila naghiwalay. Gayunpaman, pareho pa rin silang nasa buhay ng kanilang mga anak. Kapwa sila nasa 18th birthday party ng kanilang anak na si Sam.

22 of 20

Jackie Lou Blanco and Ricky Davao

Sa interview sa kaniya sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni Jackie Lou Blanco na sana ay hindi na lamang sila naghiwalay ng dating asawa na si Ricky Davao dahil kahit magkaibigan pa rin sila at co-parents, nakita niya kung paano naapektuhan ang kaniyang mga anak.