Sinong mag-aakala na ang bakasyon ng pamilya nina Rica Peralejo at Joseph Bonifacio sa Amerika noong Marso ay tatagal ng ilang buwan.
Habang stranded sa U.S., ibinahagi ng celebrity mom/vlogger sa social media ang buhay nila habang hinaharap ang COVID-19 pandemic at ang ilang milestones na ipinagdiwang nila habang nasa abroad.
Balikan ang naging journey ng Bonifacio family bago sila bumalik sa Pilipinas ngayong Setyembre sa gallery na ito.
Lumipad ang pamilya ni Rica Peralejo sa bansang Amerika noong Marso, kung kailan sunud-sunod na ang mga balita tungkol sa mga kaso ng COVID-19 iba't ibang bahagi ng mundo. Sa Instagram, ibinahagi ng former 'T.G.I.S' star' ang dahilan na kung bakit nila ituloy ang kanilang trip sa U.S., "Someone asked me how it was because of the whole coronavirus scare and I said that even way before corona virus, my thinking was that we always exposed ourselves to the flu everytime we rode the plane."
I do have friends who have cancelled their travel plans because of the possible pandemic. Also, from our end, mahal ng rebooking. We got our tickets on sale last year pa and it does matter to us that it is a straight flight out from the Philippines to the US."
Sa Amerika na ipinagdiwang ni Rica Peralejo ang kanyang 39th birthday kasama ang asawa niyang si Joseph Bonifacio at kanilang dalawang anak na sina Philip at Baby Manu.
Isa sa mga binisita nilang pamilya ang Yosemite National Park sa California. A little trivia, magkapareho ng birthdate sina Rica at Joseph.
Noong March 9, ipinost ni Rica sa Instagram na nag-trekking din sila sa Mariposa Grove of Giant Sequoias.
Ibinahagi naman ng celebrity mom noong March 13 na natatakot siyang mag-post ng photos nila sa pagbisita nila sa Sequoia National Park, California. Aniya, "I was not going to post any of our photos from Sequoia National Park today because of all the covid concerns that seem to be scaring everything out of my kababayans. Baka lang may ma-off. But after airing some thoughts on this global concern [I said we weren't scared to leave a week ago because everything seemed less serious]."
Ayon kay Rica, maraming establisimiyento sa Fresno, California ang sarado base sa kanyang post noong March 15.
Tila enjoy naman ang bunso nina Rica at Joseph na si Baby Manu na naka-quarantine lang sa bahay.
Masaya si Rica Peralejo na may dala siyang maayos na pantulog habang nasa Amerika.
Isang mabuting bagay na idinulot ng lockdown ay nakaka-bond ng mommy ni Rica Peralejo ang kanyang apo.
Sa Instagram post ni Rica noong March 28, makikita na nagawa nilang mag-ikot-ikot malapit sa kanilang area na tinutuluyan kahit may lockdown. Kuwento niya, "Walked around the nearby blocks today. We are desperate for sun and some movement. Luckily we aren't prohibited to walk some streets and it is refreshing to see the flowers growing in the neighborhood. Beauty can sometimes effectively calm a fearing soul. I really wish this ends soon, and I can only pray that we can also quickly rise back up from this."
Rica and Joseph recreated a scene from 'Crash Landing On You.'
Nakuhanan ni Rica Peralejo ng litrato ang kanyang mga anak na sina Philip at Baby Manu habang mahimbing na natutulog.
Missing the outside world, Baby Manu?
Rica breastfeeding Manu on Easter Sunday.
Lumipad ang pamilya nina Rica at Joseph sa Amerika para ipagdiwang nila ang kanilang 10th wedding anniversary. Ani Rica sa Instagram, "We left for the US to celebrate our 10th wedding anniversary. We've been together for a decade now and surely, marriage has its wins and losses. We win each other while we lose more of our uncaring selves pre-marriage. [My husband, as you can see in the photos, also lost a lot hair. If only we can switch that around so we can lose more weight and fats instead...]"
Excited na si Baby Manu para maglaba
Sa Instagram Story naman ni Rica Peralejo nitong April 28, hindi siya makapaniwala na naabutan na nila ang pagpapalit season sa Amerika. Dapat daw ay nakaalis na sila sa bansa noon pang early April.
Habang nasa Amerika, kinailangan pa ni Rica na ipatanggal ang kanyang wisdom tooth. Buti na lang, may nahanap siyang mga dentistang Pinoy na tumulong sa kanya.
Nagbiyahe ng siyam na oras oras ang pamilya mula Los Angeles patungong Utah para bumisita sa kanilang mga kamag-anak doon.
Habang nasa Utah, nakapamasyal din sila sa iba't ibang national parks doon.
Kahit stranded sa Amerika, sinigurado nina Rica at asawa niya na si Pastro Joseph Bonifacio na ipagdiwang ang first birthday ni Baby Manu. Mensahe ni Rica sa anak, “Manu. You turned one in the midst of a pandemic. You had your party here in the US when we should have been home two months ago. We love you so much, and your family loves you so much. And wow, you know, so many of my friends and people online who have been journeying with us on my accounts have sent you messages, too!”
Twinning habang nasa beach. Enjoy si Mommy Rica Peralejo habang nasa Santa Monica, California.
Perfect ang beach life para kay Philip.
Ibinahagi rin ni Rica Peralejo sa isang nine-minute long video sa Instagram ang medical emergency na kanilang hinarap nang maaksidente si Baby Manu.
Proud mommy si Rica nang ikuwento ang unang araw ng homeschooling experience ng panganay niyang si Philip Nathaniel noong Hulyo.
May kurot sa puso naman ang post ni Rica Peralejo noong Agosto nang inalala niya ang first death anniversary ng kanyang ama.
Kuha ang larawan na ito sa Vasquez Rocks Park na matatagpuan sa Santa Clarita, California limang araw bago bumalik ang pamilya ni Rica Peralejo sa Pilipinas. Saad niya sa kanyang IG post, “Five days before leaving the U.S. It was like a walk of gratitude to the nation and state that houses my siblings, their families, for giving them a better life out there. It was also a walk of gratitude to Our Maker, who created such wonderful, enjoyable spaces. And it was a walk of hope that our life as a family will be about exploring, experiencing all the places in the world that are like this.”
Base sa update ni Rica Peralejo, nakabalik na sila sa Pilipinas nitong Sabado, September 5. Sa kabutihang palad negatibo ang resulta ng COVID-19 tests ng kanilang pamilya. Maari ring silipin ang Instagram post niya para malaman ang mga dapat asahan sa aiport ng mga Pinoy o foreigners na papasok sa bansa. Welcome home, Bonifacio family!