advertisement
Celebrity Life

LOOK: Celebrity parents na ipinagtanggol ang kanilang anak sa bashers

1 of 10

Quia

Noong June 2017, nag-react ang celebrity mom na si Claudine Barretto nang tawagin ng isang netizen ang kanyang adopted daughter na si Quia na "mukhang batang lansangan." Tugon ni Claudine sa basher: "ANO BANG GINAWA NG ANAK KONG 2 Years old na si Quia."

2 of 10

Sabina

Lumabas din ang pagiging "tiger mom" ni Claudine Barretto nang punahin ng netizen si Sabina na "deadma" daw sa video kung saan binigyan niya ito ng birthday cake noong June 2019. Depensa ni Claudine, “Sorry po galing lang naman ng GFORCE at 1AM o [magtu] 2am. Gusto mo magtatalon anak ko. She doesn't have to please anyone. AMPON? Bakit siya ba pumili na ako maging NANAY NYA?"

3 of 10

Baby Tali

Dinaan sa tawa ni Pauleen Luna ang reaksyon ng netizen na 'di sang-ayon sa kanyang Instagram post na magkamukha si Baby Tali at kanyang Daddy Vic Sotto noong bata ito. @pauleenlunasotto (IG)

advertisement
4 of 10

Archie

Diretsahan sinabi ng model na si Georgina Wilson na wala siyang nakikitang masama kung pipiliin man ng anak niya na si Archie na maging gay. Ito ang reaksyon ni Georgina matapos may mag-komento na netizen na mukha daw bading ang anak. Sabi ni Georgina, “Sorry to put you on blast @franz77761 but I will love my son matter what he chooses to be in the future and there is NOTHING WRONG with being gay.”

5 of 10

Baby Lucia

“Negra talaga, Pinay and proud like her momma! May problema ka dun, girl?" Ito ang sagot ng celebrity TV host na si Bianca Gonzalez-Intal noong 2016 nang sabihan ng isang basher na "negra" ang anak niya na si Lucia.

6 of 10

Bimby

Sinupalpal ng TV host/ endorser Kris Aquino ang isang basher na tinawag na bading si Bimby sa ipinost niyang side-by-side photo nila ng kanyang yumaong lolo na si Senator Beningo "Ninoy" Aquino sa Instagram. Pagtatanggol ni Kris, "Let me do you a favor and not force you to see pictures of a child you choose to bully. Please get a life.”

advertisement
7 of 10

Summer

Ramdam ang pagkadismaya ng Kapuso showbiz couple na sina LJ Reyes at Paolo Contis nang sabihan ng basher na "pango" ang ilong ng kanilang anak na si Summer.

8 of 10

Alfonso

Tinawanan na lamang ni actress/entrepreneur na si Neri Naig ang post ng isang basher na hindi daw anak ni 'Parokya ni Edgar' frontman Chito Miranda si Miguel Alfonso o Miggy.

9 of 10

Malia  

Nagpupuyos sa galit ang comedienne na si Pokwang nang mabasa ang panlalait na inabot ng kanyang anak na si Malia O'Brian mula sa isang netizen sa Twitter. Sa Instagram post ni Pokwang, sinabi niya, “Ganyan umatake ang mga kampon ni satanas kapag wala na maisip na pangbato sa'yo titirahin ka kung saan ka mahina... [I'm] sure may anak [ka rin] na inosente at binubuhay mo sa pagiging troll mo sana mapakain mo s'ya ng maayos sa pang aalipusta mo sa anak ko na walang malay, at sana mapalaki mo s'ya na maging isang mabuting mamamayan.”

advertisement
10 of 10

Thylane

Sa kanyang Instagram Story noong February 2020, ibinahagi ng Kapuso actress/TV host na si Solenn Heussaff ang dahilan kung bakit hindi pa niya pinapakita noon sa publiko ang hitsura ni Baby Thylane. Base sa paliwanag ni Solenn, nakakabasa daw ito ng mean comments tungkol sa kanyang anak. Ani Solenn, "I've read comments like: "Is your baby ugly?" arent you proud of her" "is she abnormal" amongst other things. People need to remember LIFE does NOT HAPPEN on IG. Yes its a great place to share things, but you don't have to share EVERYTHING."