advertisement
Celebrity Life

IN PHOTOS: Kapuso kids na naka-online learning ngayong GCQ

1 of 22

Baeby Baste

Handang handa na si Sebastian Benedict Granfon Arumpac o Baeby Baste ng 'Eat Bulaga!' sa kaniyang pag-aaral sa pamamagitan ng online learning. Ito ay bunsod ng COVID-19 pandemic na nagdulot ng pagkansela ng pagbubukas ng klase sa mga paaralan sa Pilipinas.

2 of 22

Baeby Baste and Samsam

Kasama ni Baeby Baste ang nakababatang kapatid na si Samsam na mag-aral sa kanilang bahay.

3 of 22

Ryzza Mae Dizon

Nitong 2019 ay nagtapos sa elementarya ang 'Eat Bulaga' star na si Ryzza Mae Dizon sa Eton International School.

advertisement
4 of 22

Junior High School

Handa na rin si Ryzza Mae na harapin ang online classes niya sa pagtungtong niya ng Junior High School ngayong 2020.

5 of 22

Ellie Eigenmann

Dating back and forth ng Siargao at Maynila si Ellie Eigenmann para makasama ang kaniyang Mommy Andi Eigenmann at Daddy Jake Ejercito ngunit ngayon ay pansamantalang sa Maynila muna naninirahan ito para sa kaniyang pag-aaral.

6 of 22

Reading

Habang naka-quarantine si Ellie kasama ang kanyang amang si Jake Ejercito sa Maynila ay nakahiligan din niya ang pagbabasa

advertisement
7 of 22

Miggy Miranda

Learning like a boss ang anak ni Chito Miranda at Neri Naig na si Miggy sa kaniyang first day ng online learning para sa nursery school.

8 of 22

Skills

Maliban sa online learning, tinuturuan din nina Chito at Neri ang unico hijo na si Miggy ng pagtatanim sa kanilang farm sa Alfonso, Batangas.

9 of 22

Stellar Cipriano

Kasalukuyang nasa online learning program din ang panganay nina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano na si Stellar o "Peanut."

advertisement
10 of 22

Chores

Ayon sa panayam ng GMA kay Chynna para sa "Usapang Artista," marunong na rin tumulong sa mga gawaing bahay si Stellar.

11 of 22

Katie Lawrence

Katie LawrenceHabang naka-community quarantine, ginagabayan nina Katrina Halili at Kris Lawrence ang kanilang anak na si Katie kahit magkahiwalay na ang dalawa.

12 of 22

Learning

Dahil sa kanyang online classes, naka-graduate si Katie Lawrence ng preschool. Tuloy-tuloy pa rin ang kanyang pag-aaral kahit nasa bahay.

advertisement
13 of 22

Ayesha Zara Soldevilla

Handa na sa online classes si Ayesha Zara, anak nina Yasmien Kurdi at Rey Soldevilla. Excited din niyang ibinahagi ang kanyang DIY home school setup.

14 of 22

Yasmien Kurdi

Tutok din si Yasmien Kurdi sa patuloy na pag-aaral ni Ayesha Zara sa kanilang bahay.

15 of 22

Kendra, Scarlett, Gavin

Bago pa man ang COVID-19 pandemic, naka-home-school na ang mga anak nina Doug Kramer at Cheska Garcia na sina Kendra, Scarlett at Gavin.

advertisement
16 of 22

Home-based

Hindi man bago kina Kendra, Scarlett at Gavin ang home-based learning, sinisigurado nina Doug at Cheska na updated at holistic ang kanilang online tools at materials para sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

17 of 22

Zia Dantes

Tuluy-tuloy ang online learning ng panganay na anak nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia Dantes.

18 of 22

Hands on

Sa isang panayam, sinabi ni Marian na tinututukan niya ang pag-aaral ni Zia sa kanilang Zoom class. Dagdag pa niya, enjoy naman si Zia sa kanyang pag-aaral kahit na online lamang ito.

advertisement
19 of 22

Mattie Eigenmann

Grade 11 na ang bunsong anak ng aktor na si Gabby Eigenmann na si Mattie.

20 of 22

Internet

Upang makatulong kay Mattie, pina-upgrade ni Gabby ang kanilang internet connection para sa pag-aaral niya. Kahit na grade 11 na ang anak, masaya pa rin si Gabby na pinagluluto niya ito ng lunch tuwing may online classes.

21 of 22

Grant Summereux

Natuwa naman si Gladys Reyes dahil second day pa lang ng online class ng kanyang anak na si Grant ay nakapag-adjust na agad sila sa ganitong set-up. Naka-online class din ang mga kapatid ni Grant na sina Christophe at Aquisha.

advertisement
22 of 22

Struggle

Aminado naman si Gladys na na-challenge siya noong first day ng online class dahil hindi siya masyadong techie.