Pinabilib tayo ni Michael Roy Jornales sa kanyang martial arts skill bilang Apek sa hit telefantasya series na 'Encantadia.' Pero alam n'yo ba na may anak siya na sumusunod sa kanyang yapak sa showbiz? Kilalanin si Heath Jornales sa gallery na ito!
Naaalala n'yo pa ba si Apek sa telefantasya series na 'Encantadia'? Ginampanan ni Michael Roy Jornales ang role na ito. Pero bukod kay Michael, sumunod na din sa yapak niya ang kanyang anak na si Heath Jornales. Get to know this newest Kapuso child star to watch for.
Noong June 2020, inanunsyo na ang cutie na si Heath Jornales ay isa sa mga promising talents ng GMA Artist Center.
Malaki ang potensyal ni Heath na namana ang artistahing looks ng kanyang ama.
Cutest Captain America ever!
Sumabak sa isang fashion show si Heath noong 2018.
Like his swag? Kinuha na din siyang modelo ng isang kiddie apparel.
Super cute din ni Heath Jornales sa campaign ng isang popular powdered juice drink.
Nice streetwear, Heath! (middle)!
Hindi din papahuli si Heath pagdating sa music sapagkat marunong mag-drums at mag-gitara.
Hindi rin kagulat-gulat kung maging action star si Heath Jornales. Mentor niya sa iba't-ibang klase na martial arts ang ama na si Michael Roy. Huling napanood ang aktor sa action-drama series na 'Beautiful Justice.'
Family bonding ng Jornales family ang hiking. Kuha ito nang binisita nila ang Sagada.
May sweet message si Heath para sa kanyang, si Mommy Jem Estrada, noong Mother's Day 2020.
Bilang paggunita sa Father's Day, ibinahagi ni Heath Jornales ang training session niya kasama si Dada Michael Roy.
Adventure time with Dada!