advertisement
Celebrity Life

IN PHOTOS: Kilalanin ang artistahing kapatid ni Carla Abellana na si Erica

1 of 16

Erica Abellana

Anak si Erica Abellana Espiritu ng dating aktor na si Rey "PJ" Abellana, at panganay na kapatid ni Kapuso actress Carla Abellana.

2 of 16

Fashion stylist

Isang freelance fashion stylist si Erica Abellana noong nag-aaral pa lamang sa kolehiyo. Ayon kay Erica, sinubukan niyang maging isang fashion stylist dahil palagi siyang nasa harap ng kamera bilang isang modelo.

3 of 16

Model

Tulad ng kanyang kapatid na si Carla Abellana, isa ring commercial model si Erica Abellana.

advertisement
4 of 16

Showbiz

Ayon kay Erica, hindi siya pumasok sa showbiz dahil nais lamang niya ng simpleng buhay kasama ang kanyang pamilya.

5 of 16

Competitive

Nasa kolehiyo pa lamang, iba't ibang trabaho na ang sinubukan ni Erica Abellana. Pagbabahagi ni Erica, nasa pamilya na raw talaga nila ang maging 'achiever' at 'competitive.'

6 of 16

Advice

Payo ni Erica Abellana para sa mga magkakapatid na kung minsan ay hindi maiwasang magkaroon ng kompetisyon, "Don't take it personally. Always just have fun."

advertisement
7 of 16

Mother

Isa ng ina si Erica Abellana sa kanyang tatlong anak na babae na sina Ava, Lucy at Stella.

8 of 16

Marriage

Mahigit anim na taon ng kasal si Erica Abellana sa kanyang asawa na si Red Espiritu.

9 of 16

Baker

Isa sa kinahihiligan ni Erica Abellana ay ang baking.

advertisement
10 of 16

Sister

Sa Instagram, mapapansin na palaging magkasamang namamasyal sina Erica at Carla Abellana tulad na lamang noong nagpunta sila sa Italy.

11 of 16

Carla's wedding

"You were the most beautiful bride [Carla Abellana] and I am so happy for you and [Tom Rodriguez]. I love you both so much, abu!" sulat ni Erica noong ikinasal ang kapatid na si Carla Abellana.

12 of 16

Favorite island

Ayon kay Erica, ang isa sa paboritong pasyalan ng kanyang pamilya ay ang Boracay.

advertisement
13 of 16

Lucy

Noong January 23, ipinagdiwang ni Erica ang 9th birthday ng kanyang anak na si Lucy Helene.

14 of 16

Boracay 2021

Bago matapos ang taong 2021, masayang nag-bonding ang pamilya ni Erica kasama ang kanyang asawa at mga anak sa isla ng Boracay.

15 of 16

Post-bridal shower

Isang intimate post-bridal shower naman ang pinagsaluhan nina Erica at Carla sa isang beauty clinic kasama kanilang malalapit na mga kaibigan.

advertisement
16 of 16

Source of strength 

Sa kaarawan ni Erica nitong Abril, isang madamdaming mensahe ang isinulat ni Carla para sa kanya. Ayon kay Carla, isa ang kanyang Ate Erica sa pinagkukunan niya ng lakas upang labanan ang kanyang mga pinagdaraanan na problema.

"She would always check up on me, remind me of my worth and tell me everything will be okay. I am crying hard now as I type this because she is a primary source of my strength and I can't thank her enough for saving me many times over," sulat ni Carla sa kanyang post.