advertisement
Celebrity Life

KILALANIN: Pinoy showbiz personalities at ang kanilang adopted kids

1 of 20

Judy Ann Santos-Agoncillo and Johanna Louis "Yohan"

Si Johanna Louis, o Yohan, ay ang panganay na anak nina celebrity couple Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.

Sa "Bawal Judgemental" segment ng 'Eat Bulaga' noong 2021, ibinahagi ni Ryan ang adoption nila ni Judy Ann kay Yohan. Ayon sa TV host, si Judy Ann ay 26 years old lamang nang mag-file ng legal adoption papers para kay Yohan. Naaprubahan ito matapos ang apat na taon kung saan parehong nasa 30s na sina Ryan at Judy Ann.

Kuwento ng celebrity dad, “Gusto sana namin noong umpisa pa lang ako na iyong mag-adopt pero hindi pupuwede kasi may due process. Ang nangyari kasi kay Yohan, ang una dapat magpa-file ng adoption si mommy Carol sana (ina ni Judy Ann Santos).

“Si Judy kasi noong panahon na 'yon nagdadasal na talaga s'ya for a baby. Noong panahon na 'yon (adoption) barkada pa lang kami. Noong dinala na [si Yohan] noong araw na iyon, right na nahawakan na ni Judy si Yohan, iyon na 'mommy, ako na po mag-a-adopt.' Do'n siya nag-text sa akin na I'm going to be a mom.”

2 of 20

The Agoncillos

Apat na taon matapos na ikasal sina Ryan at Judy Ann noong 2009, doon pa lamang napalitan ang apelyido ni Yohan mula Santos at naging Agoncillo. Itinuturing din na malaking biyaya nina Ryan at Judy Ann ang pagdating ni Yohan sa kanilang buhay.

Ipinagdiwang ni Yohan ang kanyang 18th birthday noong November 2022. Samantala, mayroon ding dalawang biological children ang celebrity couple at ito'y sina Lucho at Luna.

3 of 20

Oyo Sotto and Kristine Hermosa's son, Kiel

Bago pa man ikasal ang celebrity couple na sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa noong 2011, inampon na ng aktres ang kanilang panganay na si Kristian Daniel, o Kiel. Mula noon, isa na siya sa mga pinakamalaking biyaya nina Oyo at Kristine sa kanilang mga buhay.

advertisement
4 of 20

The Sotto family of seven

Isang mapagmahal na panganay si Kiel sa apat niyang nakababatang mga kapatid na sina Ondrea Bliss, Kaleb Hanns, Marvic Valentin II, at Vittorio Isaac.

5 of 20

LJ Moreno and Jimmy Alapag's son, Ian

Ang panganay na anak nina actress-entrepreneur LJ Moreno at PBA star Jimmy Alapag ay si Ian Maximus. Taong 2014 nang ampunin nina LJ at Jimmy si Ian matapos dumaan sa proseso ng adoption sa loob ng dalawang taon. Ilang araw matapos ang adoption ng celebrity couple kay Ian, nalaman ni LJ na siya'y buntis sa anak niyang babae na si Keona Skye.

6 of 20

The Alapags

Kasalukuyang nakatira ang pamilya nina LJ at Jimmy sa United States kasama ang kanilang apat na mga anak na sina Ian, Keona Skye, Calen Asher, at Cayson Amory, na ipinanganak nitong January 13, 2023.

advertisement
7 of 20

Zeinab Harake

Ang sikat na YouTube content creator na si Zeinab Harake ay mayroong adopted son na nagngangalang Lucas. Sa isang vlog ni Karen Davila noong January, ibinahagi ng Filipina-Lebanese vlogger na 18 years old lamang siya noong inampon niya si Lucas.

“Wala pa naman sa plano ko that time, wala akong boyfriend, wala akong experience sa live-in partner, walang gano'n. Walang anything. Noong nakita ko lang 'yung bata parang destiny nasa akin ito mapunta, hindi lang to help but also to love him unconditionally,” kuwento niya kay Karen.

8 of 20

Forever

Ipinagdiwang ni Lucas ang kanyang 5th birthday noong July 2022. Bukod kay Lucas, mayroong biological daughter si Zeinab mula sa dati niyang partner na si Skusta Clee, si Zebbiana, o Bia.

9 of 20

Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan

Si Miguel Pangilinan ay ang only son at adopted child nina Megastar Sharon Cuneta at ng kanyang asawang si Kiko Pangilinan.

Naghanda ng big birthday celebration sina Sharon Cuneta at Kiko noong 2012 upang ipakilala sa lahat ang kanilang adopted child na isang legal na Cuneta-Pangilinan.

advertisement
10 of 20

Blended family

Bukod kay Miguel, legal na in-adopt ni Kiko Pangilinan si KC Concepcion, ang anak ni Sharon sa dati nitong asawang si Gabby Concepcion, noong 16 years old ang aktres. Mayroon ding dalawang anak na babae sina Sharon at Kiko at ito'y sina Frankie at Miel.

11 of 20

Aiai delas Alas 

Taong 2011, kinupkop ng Queen of Comedy na si Aiai delas Alas ang baby boy na nagngangalang Seth Andrei. Sa interview ni Aiai sa episode ng 'Tunay Na Buhay' noong 2021, ibinahagi niya kung ano ang nag-udyok sa kanya na mag-ampon ng baby.

“Ewan ko ba. Parang nung panahon na 'yon gusto kong mag-adopt. Parang ewan ko ba, nalulungkot ako, na parang may hinahanap ako na ano ba 'yung misyon ko sa mundo after ko maging nanay. Eh malalaki na nga 'yung mga bata. Nag-pray ako. Sabi ko parang nahihiya na 'ko kay Lord, baka talagang para sa'kin 'tong batang 'to,” kuwento niya.

Bukod kay Seth Andrei, may tatlo pang anak ang Kapuso actress-comedienne at ito'y sina Sancho Vito, Sean Nicolo, at Sophia.

12 of 20

Quality time

Sa interview ng Kapuso star sa episode ng 'Tunay na Buhay' noong 2021, inilahad ni Aiai na ang rason kung bakit nakahiligan niyang gumawa ng TikTok videos kasama si Seth Andrei at hinahasa ang acting skills nito ay dahil sa sinabi ng isang manghuhula sa kanya noon.

“Parati kasing ninanamnam ko sa sarili ko na 'yung hula sa'kin na meron akong anak na magiging sikat na sikat na sikat, na magiging mas sikat pa sa'kin. Parang gano'n daw. Kaya sabi ko, 'Naku. Sino kaya sa mga anak ko? Feeling ko ikaw, anak. Feeling ko ikaw 'yon.”

advertisement
13 of 20

Claudine Barretto

Si Sabina Natasha (first photo) ay ang panganay na anak at adopted daughter ng aktres na si Claudine Barretto at ng kanyang ex-husband na si Raymart Santiago noong sila'y mag-asawa pa. Mayroon din silang biological son na si Santino (third photo).

Samantala, mayroon pang dalawang kinupkop na mga bata si Claudine at ito'y sina Quia (first photo) at Noah Joaquin (second photo).

14 of 20

Love

Kitang-kita sa social media account ni Claudine Barretto ang pagiging mapagmahal niya sa lahat ng kanyang mga anak.

15 of 20

German Moreno's son Federico

Si Federico ay ang adopted son ng yumaong Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno. Si Federico ay dating ikinasal kay Sheila Magdayao, ang kapatid ng mga aktres na sina Vina Morales at Shaina Magdayao, at mayroon silang apat na mga anak. Kasalukuyang in a relationship si Federico sa dating aktres na si Harlene Bautista.

advertisement
16 of 20

Tribute

Noong October 2022, nagbigay-pugay si Federico sa kanyang yumaong ama noong kaarawan nito. “Thank you Papa for inspiring me to continue your legacy and being there in helping me find my purpose in life. Happy birthday and I love you Papa. I miss you. I miss you a lot..” sulat niya sa kanyang Instagram post.

17 of 20

Dolphy's daughter, Nicole

Si Nicole “Coco” Quizon ay ang adopted daughter nina Zsa Zsa Padilla at ang yumaong Comedy King na si Dolphy. Sanggol pa lamang si Nicole nang i-adopt siya ni Dolphy noong 1990.

18 of 20

Present

Nakapagtapos si Nicole ng degree in Anthropology sa University of Melbourne. Makikita ang pagiging malapit ni Nicole sa kanyang mga kapatid na sina Karylle Tatlonghari-Yuzon (first on the left), ang anak ni Zsa Zsa sa dating asawa na si Dr. Modesto Tatlonghari, at Zia Quizon (middle), na biological child naman nina Zsa Zsa at Dolphy.

advertisement
19 of 20

Christopher de Leon at Nora Aunor's children

Ikinasal sina veteran stars Christopher de Leon at Nora Aunor noong 1975 at na-annulled ang kanilang kasal noong 1996. Mayroon silang isang biological son na si Ian de Leon.

Mayroong apat na adopted children ang dating celebrity couple at ito'y sina Lotlot de Leon, Matet de Leon, Kenneth de Leon, at Kiko de Leon.

20 of 20

Siblings

Sa larawang ito na kuha noong 2020, makikitang nanatiling malapit ang magkakapatid na sina Matet, Lotlot, Kenneth, Kiko, at Ian. Mayroong na rin silang kanya-kanyang mga pamilya.

“Always,” sulat ni Lotlot sa kanyang Instagram post.