These beautiful ladies are Jeric Raval's daughters

Kilala ang aktor na si Jeric Raval sa kanyang action movies at iba pang palabas sa telebisyon.
Sa isang TV guesting inilahad niya ang pagkakaroon niya ng labing walong anak.
Bago pa man pasukin ang mundo ng show business, kasal na si Jeric kay Holiday Buensuceso at apat ang anak niya sa kanyang legal wife.
Tatlo naman ang naging anak ni Jeric sa dating aktres na si Monica Herrera.
Nagkaroon din siya ng mga anak sa former sexy star na si Alyssa Alvarez.
Samantala, hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Jeric tungkol sa iba pa niyang mga anak.
Sa isang panayam, sinabi ng isa sa mga anak ng aktor na si AJ Raval ang laging sinasabi at paalala ng kanilang ama.
Ayon sa kanya, "Ang sabi ng tatay ko, walang kapatid sa labas. Kapag kapatid mo, kapatid mo."
Kilalanin ang ilang babaeng anak ni Jeric Raval sa gallery na ito.
















