Joel Cruz, bakit pitong anak lang ang kasama sa kanyang vlog?

Sinagot ni Joel Cruz sa kanyang travel vlog sa Paris ang tanong ng isang netizen na bakit pito lamang ang mga anak na kasama niya.
Si Joel ay may walong anak na sina Prince Sean, Princess Synne, Prince Harvey, Prince Harry, Charles, Charlotte, Zaid, at Ziv.
Ayon sa Pinoy entrepreneur, "Seven sila na kasama ko. Itinatanong bakit daw seven 'yung kasama ko, hindi eight."
PHOTO SOURCE: Facebook: Joel Cruz Official
Kuwento ni Joel, ang anak niya na hinahanap ng netizen ay si Ziv, na na-diagnose ng autism.
"Sabi ko sa kanya na tama 'yung alam niya na walo 'yung mga bata. However, 'yung ika-walo kasi, 'yung bunso, na-diagnose siya ng doctor na mayroon siya autism spectrum. Isa siyang sakit at ginagamot siya ngayon through therapy session."
Inilarawan ni Joel ang kanilang pagpunta sa ibang bansa kung saan nakaranas sila ng pagsubok dahil sa may mga hindi nakakaintindi ng kalagayan ng kanyang anak.
"May mga instances kasi like sa Korea, sa restaurant, na maingay siya so minsan pinapalabas kami. Hindi lang 'yung bata, nadadamay na rin kami, napapalabas kami kasi maingay nga."
Dugtong pa ni Joel, "Kaya maganda sa Pilipinas kasi kilala kami, at least hindi nangyayari 'yung ganoon. Pero sa ibang country, hindi na kami kilala kaya may mga instances na ganoon. Nakakaawa rin siyempre dahil bata. Hindi ko naman ma-explain na may sakit 'yung bata."
Sa Paris vlog ipinaliwanag ni Joel na kasama niya ang anak na si Ziv, pero kinailangan niyang umuwi agad sa Pilipinas para sa therapy.
"Actually kasama namin siya dito sa Paris, pinauwi ko lang siya nang maaga para hindi niya ma-miss 'yung kanyang therapy. Malaking tulong kasi 'yung therapy sessions na ginagawa niya sa Manila kasi gumagaling siya kumbaga."
Saad pa ni Joel, ang dasal niya para kay Ziv at hiling na samahan siya sa pagdarasal para sa anak.
"I keep on praying na sana gumaling siya sa lalong madaling panahon and I hope you can pray for Ziv Cruz, 'yun 'yung pangalan ng aking bunsong anak."
"Masakit bilang magulang na nakikitang ganoon," dugtong pa ni Joel.
Sa huli, nagpasalamat si Joel sa mga sumusubaybay sa kanyang buhay kasama ang walong anak.
"Thank you for following us sa Joel Cruz Official, alam ninyo 'yung buhay ko, alam ninyo na walo 'yung anak ko. Thank you sa mga pagsubaybay ninyo."
"Okay lang 'yung may tanong kasi naramdaman ko na alam ninyo 'yung nangyayari sa buhay ko. Thank you for following my story."
Panoorin ang kuwento ni Joel dito:
KILALANIN ANG MGA ANAK NI JOEL CRUZ:





































