Rita Daniela, nagbigay ng time capsule message para kay Uno ngayong Mother's Day

Tinamaan si Rita Daniela sa mga mensaheng inihanda ng All-Out Sundays para sa mga ina ngayong Mother's Day na inilahad ng hosts ng program sa opening number nito kanina, May 11.
Pagkatapos ng performance, nakatanggap ng pagbati si Rita sa kanyang co-hosts.
“Grabe, ang sarap sa feeling na binabati na ako ng Happy Mother's Day,” sabi ng celebrity mom.
Dagdag pa niya, “Sobrang tinamaan ako sa mga sinabi natin kanina sa opening. Kasi parang… I know it's a love letter for our moms pero, siyempre, parang nabi-visualize ko na balang araw si Uno naman ang nagsasabi noon para sa akin. Nakakaiyak.”
Samantala, pagkatapos naman ng kanyang performance para sa “Queendom” segment, humingi si Ken Chan kay Rita ng time capsule message para sa kanyang anak na si Juan “Uno” Rafael.
Sabi ng actress-singer, “Uno, anak, I know wherever you are right now, you are doing very well kasi alam kong marunong kang makisama sa mga tao. I know that you are very passionate and you appreciate and you value your work, most especially you value hard work.
“So, I know, anak, kahit saan ka magpunta, you will be very successful. I'm very, very proud of you and I love you very much. Again, I won't be very tired to sing for you anytime you like. I love you.”
Sa parehong segment, nagbigay rin si Rita ng special message para sa kanyang inang si Rosanna Iringan, na naging inspirasyon niya sa buhay.
Ani Rita, “Sa mama ko, sobrang proud ako diyan. Kasi, my mom is a breast cancer survivor, so ibang klase yung pinagdaanan niya. I think, I'm very blessed to witness that kasi sobrang nagagamit ko yun, yung sobrang lakas ng loob. I'm sure magagamit ko siya in the future, na dapat ganun lang, dapat ganun lumaban sa buhay. Alam mo yun, 'Sakit ka lang, cancer ka lang. Tao ako, anak ako ng Diyos.'”
Samantala, tingnan dito kung bakit binansagang “momstoppable” si Rita:









