Celebrity Life

Iya Villania at Drew Arellano, kinilig na commercial model na si Baby Primo

By ANN CHARMAINE AQUINO

 

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

"Kinikilig. Sobrang kinikilig." Ito ang reaksyon nina Iya Villania at Drew Arellano sa bagong commercial ng kanilang anak na si Baby Primo.

Kamakailan lamang ay na-launch si Primo bilang endorser ng isang baby bath product kasama sina Iya at Drew. Kuwento ni Drew, hindi nila mapigilang panoorin ng paulit-ulit ang commercial ng kanyang mag-ina.

"We kept on playing the video. Sobrang nakakatuwa."

LOOK: Baby Primo Arellano in cutest costumes

Dagdag pa niya, natural na si Primo sa pagharap sa camera.

"Sa house kasi the shots he knows where the camera is eh. Kahit sa phone pa lang eh titingin na siya. He's so natural in front of the camera.'Yung first working day nga ni Primo was a photo shoot. Ako mukhang sira ulo dahil kinakabahan ako, then bakit nga ako kinakabahan?"

Sakaling may mag-alok kay Primo ng iba pang endorsements handa na ba sina Iya at Drew?

"I really don't know, I mean why not sakaling magkaroon," sagot ni Iya.

MORE ON ARELLANO FAMILY:

Biyahe ng Arellano Family: Drew, Iya, and Primo in Sydney

Home Foodie Season 3 offers "Madalicious Meals" beginning May 15

Photos by: @iyavillania(IG)