Celebrity Life

Regine Velasquez-Alcasid's message for Nate: 'Mamahalin kita kahit may iba ka ng mahal'

By ANN CHARMAINE AQUINO

"My greatest gift," ito ang tawag ni Regine Velasquez-Alcasid kay Nate na makikita sa kanyang mensahe para sa kanyang anak nitong nakaraang Mother's Day.

Dagdag ni Regine, hindi man siya sigurado kung siya ay isang mabuting ina, nakakasiguro naman siya sa pagmamahal niya para sa kanilang anak nila Ogie Alcasid.


"I'm not sure if I'm a good or bad mom. Most of the time I'm second guessing myself, if I'm doing the right thing. Like you I'm also still learning. But one thing I'm very sure of I LOVE YOU."

Ibinahagi rin ni Regine ang kung gaano kalaki ang kanyang pagmamahal sa kanyang unico hijo.

Aniya, "Mamahalin kita kahit mahirap ka na mahalin. Mamahalin kita kahit may iba ka ng mahal. Higit sa lahat mamahalin kita....... kahit ako na lang mag isa magmamahal sayo lalo pa kitang mamahalin. My Boo, I'm yours forever. I love you. Mom."