Celebrity Life

Baby Primo, mas sikat na sa kanyang celebrity parents na sina Drew Arellano at Iya Villania?

By ANN CHARMAINE AQUINO

Kakaiba ang good vibes na hatid ng anak nina Drew Arellano at Iya Villania na si Baby Primo. Ayon sa celebrity couple, hindi sila makapaniwala na ang ilang photos at videos lamang ni Primo sa kanilang social media accounts ang naging dahilan ng pagsikat nito.

Kuwento ni Iya pakiramdam nila ni Drew ay mas sikat na si Primo lalo na kapag sila ay nasa public place.

 

"Kasi there are people na lumalapit sa amin ngayon, 'yung wala silang pake sa amin ang hinahanap talaga nila si Primo."

Dagdag pa ni Iya, "Nakakatawa, nakakatuwa na Primo has this effect on people kahit sobrang raw lang naman 'yung nakikita nila sa mga Instagram namin. Nakakatuwa because he is a scene stealer and a ray of sunshine."

Ayon naman kay Drew ay bidang bida si Primo sa kanilang tahanan. Saad niya, "He's like the superstar of the house. Sarap."

 

Inamin rin ni Iya na patuloy silang nakakatanggap ng messages na makakita pa ng ilang videos at photos ni Primo sa kanilang social media accounts.

"I receive a lot of messages from random people just wanting to see more of Primo kasi 'yun daw 'yung pangpa-good vibes nila sa mga araw nila so nakakatuwa lang na may ganyan siyang effect sa mga tao."

Photos by: @drewarellano(IG)