Celebrity Life

EXCLUSIVE: Jak Roberto, may bagong natuklasan tungkol sa kapatid na si Sanya Lopez

By Michelle Caligan

Alam n'yo bang first time ng magkapatid na Jak Roberto at Sanya Lopez ang mag-travel na silang dalawa lang?

Sa isang exclusive interview with GMANetwork.com, ikinuwento ni Jak na ang kanilang Bicol adventure sa isang episode ng Road Trip ang unang travel nilang magkapatid.

READ: Sanya Lopez, muntikang ma-disgrasya habang nakasakay ATV? 

Aniya, "'Yun ang first travel namin ni Sanya na magkasama. Kasi kapag umaalis kami, usually kasama ang family or friends. This time, kami lang dalawa. Sobrang na-enjoy namin ang views, 'yung pagkain. Sobrang bait din sa amin ng staff and crew. Sobrang comfortable kami nang ginagawa namin 'yung Road Trip to Albay."

Natural man sa magkapatid ang mag-away, naiwasan daw nila ito sa Road Trip.

"Hindi kami nag-away. In-expect kasi namin before na baka mag-away lang kami kapag ganun kasi kaming dalawa lang magkasama. Pero this time, hindi. Nakakatuwa na ganun 'yung kinalabasan ng episode."

May bago rin daw siyang natuklasan tungkol sa Haplos star.

"Na-discover ko na gusto pala talaga niya 'yung mga ganyan, kasi dati napagkukuwentuhan lang namin. Before hindi naman namin afford, wala naman kaming pangbakasyon. Mas pinipili na lang namin na mag-stay sa bahay. Ngayon na may chance na gawin namin 'yun, sobrang in-enjoy namin at doon ko na discover na gusto pala talaga niya mag-travel."

Wish din ni Jak na masundan pa ang kanilang Albay trip.

"Sabi ko nga sa kanya, 'Sanya, kung mag-road trip ka sa ibang lugar o mag-around the world ka, baka naman puwede mo akong isama.'"