Celebrity Life

WATCH: Mikael Daez cuts brother's hair in funny vlog entry

By Marah Ruiz

Hindi pa tapos ang vlogs ni Kapuso leading man Mikael Daez tungkol sa kanyang bakasyon sa Los Angeles.

Sa kanyang latest entry, tinulungan niya ang kanyang nakakatandang kapatid na si Nicky na gupitin ang sideburns nito.

Makikitang ninernerbiyos si Nicky habang aliw na aliw naman si Mikael sa panunukso sa kanyang kuya.

Bukod dito, nag-bowling at kumain pa sila sa isang vegan restaurant kasama ang kasintahan ni Mikael na si Miss World 2013 Megan Young. 

Panoorin ang latest entry ni Mikael sa kanyang LA vlog series.