Celebrity Life

MUST-SEE: Sino ang 'Little Miss Philippines' nina Dingdong Dantes at Marian Rivera?

By Bea Rodriguez

Cuteness overload ang weekend getaway nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Batangas dahil sa kanilang unica hijang si Baby Maria Letizia.

Magda-dalawang taon pa lang si Baby Zia ngayong Nobyembre pero angat na ang kanyang ganda sa mga litrato na kuha ng kanyang mga magulang.

Kinilala pa siyang “Little Miss Philippines” ng kanyang proud parents sa kani-kanilang Instagram posts na mayroon ng 250,000 likes mula sa followers ng celebrity couple.