Celebrity Life

READ: Lolit Solis, may mensahe para kina Marian Rivera, Pauleen Luna at Dra. Vicki Belo

By Bianca Geli


May mensahe ang showbiz reporter na si Lolit Solis para sa  mga celebrity moms na sina Marian Rivera, Pauleen Luna at Dra. Vicki Belo at ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram post. 

“Alam mo Salve, iyong mga working moms tulad nila Marian Rivera, Pauleen Luna at Dr. Vicki Belo, very lucky. Kasi kahit may trabaho sila, nabigyan sila ng chance na makita personally ang mga first na ginagawa ng babies nila.”

Dugtong ni Manay Lolit, “Tuwang-tuwa si Marian 'pag kuwento niya ang first step at first word na nasabi ni Zia. Happy si Dra. Vicki sa 'pag kuwento niya iyon mga lessons na natututuhan ni Scarlet sa school. Si Pauleen naman tuwang-tuwa 'pag karga si Tali na kung tingnan ko parang kalahating kaban ng bigas dahil sa taba.”

READ: Lolit Solis, ipinakilala kung sino si Salve

“At nakakatuwang tingnan na nag-uusap sila samantalang pulos mumbling lang naman [ang] naririnig mo kay Tali. Iyon[g] mga magical moments na iyon ay mahirap nang ulitin, at very lucky ang mga mother na nawi-witness iyon sa kanilang anak. Babies really are miracles from the Lord, at habang nakikita mo silang lumalaki lalo kang maniniwala sa milagro.”

WATCH: When Wil Dasovich and Alodia Gosiengfiao met Marian Rivera

LOOK: Scarlet Snow Belo celebrates 3rd birthday with special guests

Nasabi rin ni Lolit na sana maabutan niya pa ang pagdadalaga nina Zia, Tali at Scarlet Snow.

“Imagine, iyon unti-unti na silang lumalakad, tuwid na magsalita, mula sa pagiging sanggol. Good that working mothers like Marian, Pauleen and Dra. Vicki may panahon para makita iyon . At makikita mo ang happiness sa mga batang ito knowing nandiyan sa tabi nila ang kanilang mga ina. Hay, wish ko lang makita ko na mga dalaga na sila Scarlet, Tali at Zia, sana abutan ko pa.”