Celebrity Life

WATCH: Drew Arellano at Iya Villania, aminadong gustong magkaroon ng baby girl

By Marah Ruiz

Nabiyayaan muli ang mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania ng isa pang supling kasunod ng kanilang panganay na si Primo.

Sa isang gender reveal video, nalaman nilang lalaki muli ang ipinagbubuntis ni Iya.

Pero dahil lalaki na ang kanilang panganay, aminado ang mag-asawa na ginusto din nila sanang magkaroon ng baby girl.

"Siyempre naisip namin na dahil meron na kaming lalaki, gusto namin magkaroon ng babae. Pero noong nagkaroon kami ng gender reveal na nalaman namin na lalaki, parang teka astig nga na dalawang lalaki sa pamilya," kuwento ni Drew.

Una naman daw pumasok sa isip ni Iya na mag-try uli para makabuo ng babae.

"'Yung unang pumasok sa isip ko noong nalaman namin na lalaki ulit was, 'Patay. Ibig sabihin baka maging tatlo pa.' We might end up trying a third time around for a girl," aniya.

Gayunpaman, excited at masaya sila dahil magkakaroon na ng baby brother si Primo. 

"I know it's gonna be even more difficult because, of course, I'll want to attend to Primo pero may bago pa 'kong baby that I'll have to attend to also. Medyo hati na 'yung oras, tapos may malaki pa 'kong baby din na kailangan bigyan ng oras," biro ni Iya patungkol sa asawa.

"I know it's gonna be hard but I can't wait for the time that he will get to grow with his brother. They can play together when they can have their own little fun. Tapos manonood na lang kami ni Drew sa kanilang dalawa," dagdag pa niya. 

Panoorin ang feature sa kanila ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho.