Celebrity Life

READ: Isabelle Daza to mom Gloria Diaz: 'You're a freak'

By Rowena Alcaraz

Sa Instagram story ng new mom na si Isabelle Daza, nagbahagi siya ng conversation nila ng kanyang ina na si Gloria Diaz.

Ayon kay Isabelle, pinadalhan niya ng video ng kanyang anak ang ina ngayong umaga (April 26).

Naging emotional ang dating Miss Universe sa kanyang reply kay Isabelle. Saad ni Gloria, "I love him so much I want to cry just looking at him brings tears to my eyes. I know it's exag but I really don't know why."

Sinagot naman ito ng misis ni Adrien Semblat ng, "You're a freak."

Isinama niya rin sa usapan ang dalawa pa niyang kapatid. Sulat ni Isabelle, "Breaking news: @avadiazdaza @raffy_diaz, mom has a heart."