Celebrity Life

Kris Aquino, ibinahagi ang diagnosis tungkol sa sakit ni Josh

By Cherry Sun

Lumitaw ang pagiging isang devoted na ina ni Kris Aquino sa kanyang mga anak nang ma-ospital ang kanyang panganay na si Josh. Kumusta kaya ang kanyang panganay?

Noon pang Miyerkules, July 18, makikita sa Instagram account ni Kris na may sakit si Josh at kung paano tinutukan ng Queen of All Media ang binata.

In-admit sa St. Luke’s si Josh at ngayong araw lamang lumabas ang initial findings tungkol sa karamdaman nito matapos siya sumailalim sa ilang tests.

Ani Kris, erosive esophagitis due to severe acid reflux and ulcers ang lumabas na diagnosis ngayon ng kanyang anak.

Bahagi niya, “He’s now finally sleeping together with Bimb- but they have to do a biopsy of what they had scraped from kuya because a healthy (based on blood works & absence of tumor markers), 23 year old shouldn’t have his severe digestive issues & our doctors want to be thorough.”

Under medication daw ang kanyang panganay para sa susunod pang 12 weeks at uulitin ang colonoscopy nito. Hindi pa man tuluyang magaling si Josh, nagpahayag ng pasasalamat si Kris sa ipinakitang pag-alala at ipinaabot na dasal ng kanyang mga tagahanga.

Wika niya, “from a mother na hindi kinayang magpahinga hangga’t hindi mahimbing ang tulog ng kanyang 2, at alam na kailangan magbahagi ng totoong diagnosis dahil minamahal nyo ang mga anak ko- THANK YOU... Hindi ko po malilimutan ang kabutihang puso na pinakita ninyo sa ‘min. You are all our guardian angels & rainbows in the storms of our family’s journey.”