Celebrity Life

LOOK: Iya Villania, nakabangon agad matapos manganak

By Cherry Sun

#SuperMom talaga ang peg ni Iya Villania dahil ilang oras lang matapos manganak ay nakabangon na siya at tila wala lang nangyari.

#MommyDiary: Iya Villania gives birth to Baby Leon

Ipinakita ni Drew Arellano sa pamamagitan ng kayang IG story na wala pang tatlong oras matapos isilang si Baby Leon ay masiglang-masigla na at fresh pa rin si Iya. Sa katunayan ay nakabangon ito upang lumipat sa mesa at kumain.

“Alright, parang walang nangyari,” hirit ni Drew.

“Nagutom ako, I'm hungry,” naging paliwanag naman ni Iya.

Ipinanganak ni Iya si Baby Leon ng 9:44 A.M. ngayong August 19.