Celebrity Life

LOOK: Rochelle Pangilinan, buntis na!

By Rowena Alcaraz

Isang magandang balita ang ibinahagi kagabi, August 27, ng mag-asawang Rochelle Pangilinan at ni Arthur Solinap. Ito ay ang pagbubuntis ni Rochelle sa kanilang unang anak!


Ikinasal sina Rochelle at Arthur noong August ng nakaraang taon. Kasalukuyang busy si Rochelle sa primetime show na Onanay bilang si Sally Batay, ang kaibigan ng bidang si Onay, habang si Arthur naman ay patuloy na napapanood sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento tuwing Sabado.

Samantala, bumuhos naman ang mga pagbati mula sa mga fans lalo na sa mga kaibigan ng mag-asawa. Silipin 'yan below.