Celebrity Life

LOOK: Kylie and Queenie Padilla's kids play together

Sa pambihirang pagkakataon, nagkitang magkasama ang mga anak ng magkapatid na sina Queenie at Kylie Padilla.

Sa Instagram account ng dating aktres na si Queenie, makikita ang larawan nila ni Kylie, kasamang kanilang mga anak na sina Baby Mustahsina Mikhaila Mir at Baby Alas.

Masaya ring nakikipagbo-bonding sa kanila sa loob ng isang ballpit ang ni Queenie na si Usama Rashid Mir at partner ni Kylie na si Aljur Abrenica.

“Happiness,” ang paglalarawan ni Queenie sa pagkakataong ito.

Dagdag pa niya, “It's such a remarkable feeling. It's like flying into another universe, in a speed of light.

“The whole world just stops. It's just you and the positive energies you absorb. And the stars, the galaxies, the planets revolve around you.”

Matatandaan na araw lang ang agwat ng edad ng magpinsang sina Baby Mustahsina at Baby Alas. Isinilang ni Queenie ang kanyang baby girl noong July 25, 2017. Samantala, isinilang naman ni Kylie ang kanyang baby boy noong August 4, 2017.

Isa sa mga natuwa sa pagsasamang muli ng magkapatid at ng kani-kanilang pamilya ay ang kanilang ama na si Robin Padilla.

Ni-repost ng aktor ang larawan ni Queenie sa kanyang Instagram account.

Sa caption, sinabi ni Robin, “Maraming salamat po Nag iisang Dios sa pagpapala na ito...

“Revolutionaries you have become my queni and my kylie.

“One of faith and one of arts kung wala ang mga asawa niyo hindi niyo kakayanin ang mundo mag isa

“Mahal na mahal ko kayong apat lalo ang mga retaso ninyo hehehe halos magkaidad si Mustahsina at Alas.”

Bago ito, masaya ring ibinahagi ni Kylie ang muling pagsasama-sama nila ng kanyang kapatid at ina nilang si Liezl Sicangco, na nagbabakasyon din sa bansa ngayon.

LOOK: Kylie Padilla and mom Liezl Sicangco reunite with Queenie Padilla