Celebrity Life

EXCLUSIVE: Chariz Solomon, proud sa sagot ng kapatid matapos bastusin ng nanay ng isang celebrity

By Aedrianne Acar

Hindi nagulat ang Kapuso comedienne na si Chariz Solomon sa naging reaksyon ng kapatid na si Fifth Solomon matapos bastusin ng magulang ng isang celebrity.

Matatandaan na pumutok ang balitang naranasang pambabastos kay Fifth noong July nang sunod-sunod na mag-tweet ang actor/director tungkol sa ginawa sa ng nanay ng isang artista na hindi na niya pinangalanan.

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com kay Chariz sa pictorial ng kaniyang show this October 15, ikinuwento nito ang masamang encounter ni Fifth sa magulang ng isang celebrity nang makita niya ito sa isang party.

Ani Chariz, “Walang bearing eh. Parang bakit mo sasabihin, sabi kasi na parang 'Don't come with us I don't like you,'”

“Parang bakit? Ah excuse me! Eh 'yung kapatid ko napakaayos na tao na 'yun Diyos ko, bising-busy nga 'yun sa pag-unlad ng kanyang ekonomiya.”

#HuwagAko: Kapatid ni Chariz Solomon, binastos diumano ng nanay ng isang celebrity

Proud din ang StarStruck graduate sa ikinilos ng younger brother niya na hindi pumayag magpaapi at maayos na dinipensahan ang sarili niya.

“Ako, hindi ako nagulat kasi lahat kami magkakapatid ganun eh, parang hindi naman kami mangbabastos kung sinabing nambastos siya. Hindi naman 'yun mangyayari kung hindi siya unang binastos.

“Kasi talagang binastos siya [Fifth Solomon]. And ako, gusto ko 'yun na nagsalita siya for himself and hindi naman siya nagmura, dinifend lang niya 'yung sarili niya in the right manner. Maayos naman 'yung pagkaka-defend niya sa sarili niya, magugulat ako 'pag nananakit siya, pero 'pag talagang binastos ka siyempre you have to defend yourself lang naman not to hurt back.”

Dagdga pa ni Chariz, hindi na daw niya kailangan payuhan si Fifth matapos ang nangyaring insidente, dahil kilalang-kilala niya ito.

“Alam na alam ko mga kapatid ko talaga hindi papayag 'yun pati ako, kapag binastos ako, I will defend myself of course in the right way," pagtatapos ni Chariz.