Celebrity Life

Gladys Reyes at Christopher Roxas, 'one time, big time' ang love story

By Gia Allana Soriano

Nag-celebrate ng "25 years of togetherness" sina Gladys Reyes and Christopher Roxas noong January 23.

Dahil dito, inilarawan ng Tunay na Buhay host na si Rhea Santos ang kanilang pagsasama bilang “patunay na sa panahon ngayon, lalo na sa showbiz, may forever pa rin."

Sa exclusive interview ng Tunay na Buhay kay Gladys, sinabi niyang maituturing na, "First and last; one and only; one time, big time" ang love story nila ng actor.

Ano nga ba ang sekreto ng kanilang long relationship?

Sagot ni Gladys, "Prayers, patience, partnership."

Dagdag pa ni Christopher, "Siguro 'pag nag-aaway kami, hindi puwedeng hindi kami magayos."