Celebrity Life

WATCH: Paano pinapatulog ni Oyo Sotto si Baby Vin?

By Bianca Geli

Ipinakita ni Oyo Boy Sotto kung paano niya patulugin ang bunsong anak na si Vin. Sa Instagram, nag-post ng video si Oyo na sinasabihan ang anak na ipikit na ang mga mata habang si Vin naman ay nahihirapang manatiling nakapikit. Maririnig sa background ang boses ng asawa nitong si Kristine Hermosa.


Ikinasal si Oyo at Kristine noong 2011 at mayroon silang tatlong anak: ang adopted son na si Kristian Daniel o Kiel, at biological kids na sina Ondrea Blis at Valentin o Vin.

READ: Kristine Hermosa and Oyo Sotto's heartwarming message for adopted son Kiel on his birthday