Celebrity Life

EXCLUSIVE: Sanya Lopez, inaming sobrang istrikto ni Jak Roberto sa kanya noon

By Michelle Caligan

Madalas gawing biro ni Jak Roberto sa social media na papaluin niya ang kanyang kapatid na si Sanya Lopez sa tuwing may sexy scene ito sa teleserye o pelikula.

READ: Jak Roberto, nakita na ang pamalo na gagamitin sa kapatid na si Sanya Lopez

Biro man daw ito ngayon, inamin ng Cain at Abel star na totoo ang pagiging istrikto ng kanyang kuya noong bata pa sila.

"Before sobrang istrikto niya talaga sa akin. Sabi niya nga, 'Hindi mo naman siguro ako masisisi kasi 14 o 15 ka lang noon, may mga lumalapit na guys,'" kuwento ng aktres sa isang exclusive interview with GMANetwork.com sa ginanap na media conference para sa The Color Run Hero Tour.

LOOK: IN PHOTOS: At the media conference of The Color Run Hero Tour

Dagdag pa niya, "Before kapag may lumalapit kasi, nakahanda na 'yung [sermon] niya na 'Ikaw, ganito ganyan.' Tapos tinatanong niya, 'Sino 'yun ha?' Minsan kaklase ko na nga lang, kahit bakla, nagtatanong siya (laughs). Ganun siya kaistrikto before."

Ngayong nasa tamang edad na silang dalawa, ano na ang sinasabi sa kanya ng kanyang kuya?

"Ikaw na 'yan, malaki ka na. Alam mo na kung ano ang tama o mali. Basta i-control mo lang ang sarili mo, alagaan mo lang ang sarili mo. 'Yung kalagayan mo ngayon andiyan ka na, alagaan mo 'yan."