Celebrity Life

Candy Pangilinan, ibinahagi ang kuwento ng pagiging single mom

By Maine Aquino

Sa Tunay na Buhay ay ibinahagi ni Candy Pangilinan ang kanyang pinagdadaanan bilang single parent sa kanyang anak na si Quentin.

Kuwento ni Candy, ang kanyang 15-year old son ay diagnosed with Autism at ADHD o Attention Deficit and Hyperactivity Disorder. Pag-amin ni Candy kay Rhea Santos, hindi niya alam kung paano niya kinakaya ang responsibilidad na ito.

Aniya, "'Di ko nga alam eh. Pero I think anybody who's in my position kakayanin din 'yun because ganun ang nanay."

Bilang nanay, disciplinarian diumano si Candy. "Parati akong istrikto sa kanya actually. Alam niya 'yun. Kaya nga marunong na siyang pagalitan 'yung sarili niya."

Kuwento rin ni Candy, may mga ina na tulad niya na may anak na may special needs na patuloy na nagtatanong sa kanya kung ano ang mga dapat gawin. Ito umano ang nag-udyok sa kanya na gumawa ng isang libro na "Mommy Dear: Our Special Love."

Ani ni Candy, "There's so many people who messages me everyday. Sends me direct messages on my Facebook, nagtatanong sila about their child, ano ang gagawin, paano sila magrereact mga ganyan. So I decided how about I write a book about it parang ang daming nagtatanong, parang ang daming may kailangan."

Sa ngayon, ang worry umano ni Candy, ay ang future ni Quentin. Kaya ngayon pa lamang ay ginagawa niya na ang lahat para masiguro ang mabuting kinabukasan ng kanyang anak.

"Ang worry ko kasi what will happen to him in the future siyempre. Makakapagtrabaho ba siya? Sabi ng doktor ko huwag mong problemahin 'yan hahanap tayo. Sabi ko imposibleng hindi ko problemahin... as of the moment ipon ipon kasi may mga plano ako na ipagawa for him para eventually 'yun ang maging negosyo niya."

Panoorin ang buong interview dito: