Celebrity Life

EXCLUSIVE: Lovi Poe, 'simple' daw ang magiging Pasko

By Marah Ruiz

Nakakainggit kung tingnan ang Instagram account ni Kapuso actress Lovi Poe dahil sa dami ng magagandang lugar na pinupuntahan niya.

Lovi Poe

Pero ngayong Pasko, wala daw siyang balak na magbiyahe dahil isang simpleng pagtitipon ang plano niya kasama ang kanyang pamilya.

"Usually, here lang naman sa Manila [ang celebration]. I spend it with my family since usually everyone is here. It's very simple--simple gathering with my lola, with my aunties, my mom, and my sister. Usually, it's just like that," pahayag niya sa isang eksklusibong panayam sa GMANetwork.com.

Mas mahalaga daw kasi sa kanya na makasama ang mga ito kesa sa pagpasyal sa iba't ibang lugar.

"They always say that when it's Christmas, it's nice to travel and be in a really beautiful place. But I think 'yung puso ng Pasko, it all really depends on who you're with during Christmas. For me, it is being with your loved ones and with your family," ani Lovi.

Isa si Lovi sa mga performers na nakiisa sa espesyal na pagtatanghal na inihanda ng GMA para sa Pasko.

Abangan siya at iba pang mga Kapuso stars sa Puso Ng Pasko: The GMA Christmas Special sa December 16, 9:00 pm sa GMA!

Tags:
lovi poe