KC Montero, may gusto nang ituro sa kanyang bagong pamangkin na si Rocket
Published On: December 15, 2018, 03:28 PM
Updated On: December 15, 2018, 03:35 PM
Hindi lamang sina Aubrey Miles at Troy Montero ang excited sa pagdating ng kanilang baby girl na si Rocket, kung 'di pati na rin ang kapatid ni Troy na si KC Montero.
FIND OUT: Aubrey Miles reveals name of baby girl
Ayon sa actor-host, looking forward na raw siyang turuan ng maraming bagay ang kanyang pamangkin.
"Welcome to planet earth my beautiful little niece. I can't wait to teach you some of life's important lessons and most importantly how to say bad words when your parents aren't around," sulat niya sa caption.
Last July, first time ring nakita ni KC ang isa pa niyang pamangkin, ang anak na babae ng kapatid nilang si Colby Miller.