
Pinaliwanag ni Kapuso comedian Paolo Contis kung bakit Summer Ayanna ang pangalan ng anak nila ni LJ Reyes na isinilang noong Biyernes, January 4.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Paolo sa Hiram na Anak story conference ngayon January 8, inamin ng aktor na gustong-gusto ni LJ ang "Summer" na pangalan.
“'Yung Summer, matagal nang gusto ni LJ. Sabi nga niya, kung naging babae si Aki, Summer ang ipapangalan niya. It's what she wanted ever since so non-negotiable na 'yun pero gusto ko rin 'yung name,” ani Paolo.
“And knowing that she has Aki, I have two girls also, na 'yung mga second name, puro A. So we found a name na A din 'yung magiging name,” dagdag ni Paolo.
LOOK: LJ Reyes gives birth to her second baby
LOOK: LJ Reyes and Paolo Contis share first photos of Baby Summer
Ayon kay Paolo, ang ibig sabihin daw ng Ayanna ay “beautiful flower."
Makakasama ni Paolo sina Dion Ignacio, Yasmien Kurdi, Lauren Young, Mae Bautista at Leanne Bautista sa Hiram na Anak.