Celebrity Life

WATCH: Rochelle Pangilinan's birthday surprise for husband Arthur Solinap

By Michelle Caligan

Isang simpleng birthday surprise ang inihanda ni Rochelle Pangilinan para sa asawa at kapwa artistang si Arthur Solinap.

Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan

READ: #ParaKayBaby: Pregnant Rochelle Pangilinan shares her second trimester exercise routine

Ayon sa post ni Rochelle sa kanyang Instagram account, alas tres ng umaga na nakauwi si Art galing taping.

"Happy birthday Bhe! Maraming salamat sa pagalaga sa kin gagawin ang lahat mapatawa lang ako araw araw, at sa pagiging responsableng asawa. Lagi kong dasal na safe kang makauwi ng bahay, maayos na health ,hindi titigil na maging good follower ni God at malayo sa temptations," sulat niya sa caption.

Dagdag pa ng Onanay star, "Ipinagdarasal ko din na lahat ng kababaihan ay makatagpo ng isang lalaking gaya mo, para maranasan nila ang saya ng buhay may asawa. I Love you Bhe, mahal na mahal kita."