Celebrity Life

LOOK: Rochelle Pangilinan posts first family photo

By Jansen Ramos

Sa unang pagkakataon, nag-post nasi Rochelle Pangilinan ng kanilang family photo sa Instagram kanina, March 14.

Rochelle Pangilinan

Kalakip nito, ibinahagi ng new mommy ang mga napagtanto niya matapos isilang ang kanilang unang anak ni Arthur Solinap na si Shiloh Jayne.

Rochelle Pangilinan introduces Baby Shiloh Jayne

Sulat ni Rochelle, "Hindi madali manganak, napakahirap!

Dugtong pa niya, "Kaya sa lahat ng nanay, saludo ako sa inyo! Lalo na sa nanay ko! Grabe!!"

Sa parehong Instagram post, ibinahagi ni Rochelle ang kaniyang appreciation message para kay Arthur sa pag-aalaga sa kaniya at sa kanilang baby.

Sabi ng Onanay star, "Ngayon medyo napapadali ang pag-recover ko sa tulong ng asawa ko, emotionally, physically, financially.

"Sa kabila ng sunod-sunod na trabaho mo, Bhe, pag-uwi mo sa bahay, sinisigurado mong may time ka sa'kin at kay Shiloh,

"Sinisigurado mong kumain na ko o 'di kaya ay sabay tayong kakain,

"Sinisigurado mong nakatulog na ko o kaya ikaw muna [ang] mag-aalaga kay baby para lang makatulog ako,

"Sinisigurado mong nakipaglaro ka kay baby, napalitan mo s'ya ng diaper at nakipaglaro ka na sa kaniya bago o pagkatapos ng trabaho.

"Grabe ang pasasalamat ko ngayon sa Diyos dahil ikaw ang ibinigay n'ya sa'min.

"Thank you soooo much sa pag-aalaga sa-kin, sa amin ni baby... I love you, Bhe!!!! @arthursolinap @shilohjayne," pagtatapos ni Rochelle.