Celebrity Life

WATCH: Joey de Leon's wedding message for son Jako de Leon

By Bianca Geli

Nagbigay ng mensahe at payo ang Eat Bulaga! host na si Joey de Leon para sa kaniyang anak na si Jako de Leon sa kasal nito kay Gillian Salita.

Joey de Leon

LOOK: Joey de Leon's son Jako is now married!

Sa YouTube video ng vlogger na si Wil Dasovich, mapapanood si Joey na nagbibigay paalala kina Jako at Gillian.

Aniya, “Going up or falling down, ay walang iwanan.

“Remember that life's a wheel, you go up, you go down.

“Kaya ang maganda, gawin niyo na lang siyang playground.

“'Jack and Jill' sana ang theme song na gamitin niyo.

“Do you remember kung ano ang nasa dulo? La, la, la… may ibig sabihin pala ito. According to a song, 'La, la, la means I love you.'”

Ang tinukoy ng kilalang komedyante at Eat Bulaga pioneer ay ang '60s song na “La-La (Means I Love You” ng American R&B group na The Delfonics.

Nagbigay din ng pasasalamat ang bestfriend ni Jako at kapwa niya vlogger na si Wil Dasovich dahil sa walang-humpay na pagmamalasakit nito sa kaniya.

Panoorin ang mga behind-the-scenes sa kasal ni Jako de Leon:


Ikinasal ang YouTube content creator na si Jako sa kaniyang longtime girlfriend na si Gillian sa isang private ceremony sa Archbishop's Palace, Villa San Miguel sa Pasig City.

Narito ang kanilang official wedding video na kuha ni Jason Magbanua: