Celebrity Life

WATCH: Bakit tinawag ni Drew Arellano sina Primo at Leon na 'mababaw kids?'

By Jansen Ramos

Good vibes ang hatid ng bagong video na ipinost ni Drew Arellano sa kaniyang Instagram account ngayong araw, May 4.

Basa sa video, ayaw tumigil sa kakatawa ng kaniyang dalawang anak na sina Primo at Leon habang binabasahan niya ang mga ito ng libro.

Sabi tuloy ni Drew, mababaw lang daw ang kaligayahan ng kaniyang mga anak.

Sa loob lamang ng apat na oras, nakakuha na kaagad ito ng mahigit 141,000 views sa Instagram.

Ikinatuwa naman ng mga netizens, maging ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, ang cute na video.