Celebrity Life

Dingdong Dantes says Mother's Day 2019 would be extra special for Marian Rivera

By Jansen Ramos

Sunod-sunod ang blessings ngayong taon para kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes hindi lang pagdating sa kaniyang career kung 'di sa kaniya ring buhay-pamilya.

Dingdong Dantes

Isang answered prayer ang pagkakaroon ng baby boy para kina Dingdong at Marian Rivera kaya naman sinisigurado ng aktor na magiging espesyal ang pagdiriwang nila ng Mother's Day ngayong taon.

"I just know that this Mother's Day would be extra special for her dahil pinagdasal talaga namin na magkaroon ng pangalawang baby and 'yun, ibinigay nga ng Panginoon and even more lalaki 'yung ibinigay so alam kong magiging sobrang happy siya doon when we celebrate it," bahagi ni Dingdong sa panayam ng GMANetwork.com at 24 Oras. kamakailan.


Ipinanganak ni Marian ang kanilang second baby na si Jose Sixto, Jr. o 'Ziggy' noong April 16.

WATCH: What is Dingdong Dantes's secret to good parenting?