WATCH: Marian Rivera and Zia prank Dingdong Dantes in latest Dantes Squad vlog
Isang game show ang peg ng latest vlog mula sa Dantes Squad na binubuo nina Kapuso Primetime Couple Dingdong Dantes at Marian Rivera, kasama ang kanilang anak na si Zia.
LOOK: Dingdong Dantes, Marian Rivera receive Silver Play Button
Sa video na inilabas nila sa kanilang YouTube channel, kailangang hulaan nina Dingdong at Zia ang items na ilalagay ni Marian sa isang box.
Pero hindi alam ni Dingdong na mas nakakatakot ang items na inilalagay ni Marian sa kanyang box!
WATCH: DongYan reveals why they came up with a YouTube channel
Panoorin ang kanilang masayang laro dito:
Nai-shoot ang kanilang vlog ilang linggo bago isilang ni Marian ang kanilang bunso na si Ziggy.
Kamakailan, ibinahagi ng pamilya ang kanilang first official photo kasama ang bunso.