Paolo Ballesteros attends daughter's academic awards ceremony
Published On: May 29, 2019, 06:50 PM
Updated On: May 29, 2019, 07:00 PM
Proud na proud si Paolo Ballesteros sa unica hija na si Keira Claire Ballesteros na nagtapos na may academic achievement.
Aniya, “Congrats anak! We're so proud of you! Tarush ng junakiz ko, lavet!!!! I love you anak.”
'Di man nagkatuluyan si Paolo at ang ina ni Keira na si Katrina Nevada ay nananatili silang mabuting magkaibigan.
Dating naninirahan sa New York si Keira kasama ng ina, at kasalukuyang nasa Pilipinas na nag-aaral.