Celebrity Life

WATCH: Mga syringe na ginamit kay Nadine Samonte, ibinida sa baby pictorial

By Cara Emmeline Garcia

Mahigit anim na daang syringe ang itinurok ni StarStruck alum Nadine Samonte sa kaniyang sinapupunan para lang mabuo ang kaniyang dalawang anak na sina Heather at Titus.

Nadine Samonte

Ayon kay Nadine, mayroon siyang Antiphospholipid Syndrome (APAS) at Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS) kaya nahihirapan siyang magkaroon ng anak.

“So, ina-attack ng katawan ko any foreign na pumapasok sa katawan ko 'yun 'yung APAS.” paliwanag ni Nadine

“Like 'yung baby, akala ng katawan ko it's a virus so inaatake niya.

“And para magamot 'yun and para mag-survive 'yung baby, I need to inject heparine everyday and twice a day.

“Kailangan ko 'yung injections na 'yun para umano 'yung systems ko at 'yung blood clot ko mawala.”

Umani ng papuri sa mga netizens si Nadine dahil sa dami ng kaniyang pinagdaanan para sa kaniyang mga anak lalo na't nasabihan noon ang mag-asawa na hindi sila magkakaroon ng anak.

“Sabi ko talaga sa sarili ko, 'Pag ako nagka-baby gagawin ko ang lahat talaga para magkaroon, para mabuo siya, at lumaki siyang malusog.'”

Panoorin ang buong chika ni Lhar Santiago: