Celebrity Life

Janine Gutierrez shares the beauty and fashion advice she learned from her Mamita Pilita Corales

By Jansen Ramos

Hindi mapagkakaila ni Janine Gutierrez na malaki ang impluwensiya ng kanyang lola na si Pilita Corales pagdating sa kanyang style.

IN PHOTOS: Janine Gutierrez and Pilita Corrales's twinning moments

Sa aming panayam sa Kapuso actress noong briefing para sa kanyang show sa Dubai kamakailan, ibinahagi niya ang kanyang mga natutunan sa kanyang 'mamita' pagdating sa beauty at fashion.

Kwento ni Janine, "There is one time na nanghiram ako ng makeup remover sa kanya kasi galing akong work at nagpunta ko sa bahay niya.

"Nakita niya ko naglalagay ng makeup remover, sabi niya, 'upwards, always upwards!'

"Dapat daw lagi pataas tapos sabi niya dapat super gentle lang."

Dagdag pa ni Janine, natutunan niya sa kanyang lola ang kahalagahan ng pagkain ng tama para maging healthy ang kanyang skin.

"She's very health conscious kaya up to now she's so young, so glowing.

"I think it's also a factor what you put inside your body," saad pa ng 29-year-old actress.

Turo rin daw ng Asia's Queen of Songs na dapat mag-budget para sa shopping.

Bahagi ni Janine, "I think other people would think na super glamorous niya and magastos pero ang turo niya sa'kin is shopping on a budget.

"It is actually more fun kasi ma-tsa-challenge 'yung creativity mo, kung paano mo pagmumukhaing sosyal, classy, or mamahalin ang isang damit.

"It does not really matter how much you spend, it's the way how you carry it."

LOOK: Janine Gutierrez poses with grandma Pilita Corrales for a magazine