Celebrity Life

Rayver and Rodjun Cruz remember late mother on her birthday

By Bianca Geli

Ipinagdiwang ng magkapatid na sina Rayver at Rodjun Cruz ang kaarawan ng kanilang yumaong ina na si Beth Cruz nitong October 16.

Mensahe ni Rayver para sa ina, “Happy 1st birthday in heaven my beautiful mama we love you so much! Miss you everyday.”

Nagbigay rin ng madamdaming mensahe si Rodjun sa Instagram para sa yumaong ina.

Aniya, "Happy birthday in Heaven Mama! Sobrang miss na miss ka ng 3 Kings mo."

Dagdag ni Rodjun, malungkot man silang magkakapatid na hindi nila makasama ang ina, alam nilang kapiling naman nito ang kanilang yumaong ama sa langit.

“First birthday mo ito sa Heaven kapiling si Lord God. Sigurado ako na sobrang saya ng party mo diyan.

“Pati sila Papa at mga Pamilya natin na kasama mo na ngayon sa Langit."

Inalala rin ni Rodjun ang pagkahilig ng ina sa pagsasayaw na namana nila ng kapatid na si Rayver.

“Sayaw ka diyan ng mga sayaw natin dati at kanta ka diyan ng I Love the night life at mga paborito mong kanta. Sigurado akong madami ka na namang mapapasaya at papalakpakan ka ng lahat diyan.”

Bumati rin ang mga kaibigan sa showbiz nina Rodjun at Rayver sa kanilang ina na pumanaw noong Pebrero dahil sa pancreatic cancer.

LOOK: Rodjun Cruz and Dianne Medina undergo Canonical Interview in preparation for wedding

WATCH: Rayver Cruz, nakipag-showdown kay "Mr. Hips"