Celebrity Life

WATCH: Bakit paa ang sexiest body part ni Kristine Hermosa para kay Oyo Sotto?

By Aedrianne Acar

Nakatawag pansin sa netizens ang page-guest ng showbiz couple na sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa sa vlog ni Danica Sotto-Pingris na KusiNica PH.

Napasabak pa ang dalawa sa isang fun challenge na 'The Not-So-Newlywed Game,' kung saan mas nakilala natin ang dalawa.

LOOK: Inside the private home of Oyo Sotto and Kristine Hermosa

Isa sa pinaka-special moments sa vlog ay nang sabihin ni Oyo na itinuturing niyang “sexiest part” ng body ni Kristine ang kanyang small feet.

Paliwanag ng Daddy's Gurl star, “Sa lahat ng babaeng nakita ko kasi 'yung paa, siya talaga 'yung pinakamagandang paa. Tsaka pinakamaliit, ang paa lang niya ay para lang malaman ninyo sa mga hindi nakakaalam, 5 ½".

“Napakaliit ng paa niya ang cute!”

Lumabas din ang pagiging romantiko ng anak nina Bossing Vic Sotto at Dina Bonnevie nang ibinahagi niya kung paano malalaman ng isang tao kapag nahanap na niya ang “the one.”

Saad ni Oyo, “Anyone can be the one naman talaga 'di ba? Lahat puwede, posible 'di ba? Kung sino 'yung dream girl mo or dream boy mo.

“Puwede naman, hindi naman porket may naramdaman ka 'yun na 'yun. Kasi maaaring minsan mali 'yung nararamdaman mo, minsan nagbabase lang tayo dun sa kung ano 'yung nararamdaman ng puso.”

Dagdag niya, “Pero dapat ginagamit mo rin 'yung utak mo. Hindi puwedeng utak lang, kasi 'yung puso mapanlinlang. So kung nalilinlang ka ng puso mo kailangan gamitin mo 'yung utak mo.”

“So malalaman mo kung siya 'yung “the one” kung nagtutugma 'yung puso at isipan.”

Panoorin ang full interview ni Danica Sotto kina Oyo at Kristine sa KusiNica PH video below.