Celebrity Life

WATCH: Chynna Ortaleza at Kean Cipriano, nagulat sa performance ni Stellar

By Maine Aquino

Ipinakita ni Chynna Ortaleza ang all-out performance ng kanyang anak na si Stellar sa kanyang Instagram account.

Kinanta ni Stellar ang "Speechless" na mula sa live-action film na Aladdin. Ang "Speechless" ay ang kanta ni Naomi Scott na gumanap bilang Jasmine.

Kasama nina Chynna at Stellar sa video sina Kean Cipriano at ang bunso ng pamilya na si Salem.

Kuwento ng Idol sa Kusina host sa kanyang post, "Bigay na bigay po siya mga kaibigan! At hayerp ang lyrics!"

Panoorin ang performance ni Stellar.

WATCH: Chynna Ortaleza, Kean Cipriano and Stellar's dance cover of "Tala"